 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 03 February 2026 |
| |
|
|
Kadalasa'y negatibo ang pagtingin sa salitang PANGAHAS. Hindi naman dapat. Kahit nga ang salitang "atrevido" ay positibo rin. Galing ito sa salitang Kastila "atreverse" na ang ibig sabihin ay "to be bold or daring." Pangahas ang dalawang tauhan sa ebanghelyo -- si Jairo na ama ng batang maysakit at ang babaeng 12 nang dinudugo. Sa dalawang salaysay na kung tawagin ay "sandwich technique," kapwa nangahas ang dalawang karakter na lumapit kay Jesus. At di sila nabigo. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|