 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 09 February 2026 |
| |
|
|
Bakit "laylayan" lamang ng damit ang nais hipuin? Ganyan ang tagpo sa ebanghelyo ngayon. Yaong mga maysakit na sumusunod kay Jesus ay walang hangad kundi mahipo ang palawit ng kanyang damit. Ito ay sapagkat napagagaling sila. Ganoon talaga ang paniniwala at karanasan ng mga tao sa salaysay ng Aklat ng mga Gawa. Ang damit, panyo at maging anino ng "healer" ay nagpapagaling. Ano pa kaya kung Katawan ni Cristo ang ating hahawakan? |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|