Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
09 February 2026
 
Haplos. Likas sa atin ang maghangad na mapalapit sa mga taong ating iniidolo. Mahalaga sa atin ang personal na ugnayan.

Alam ito ng Diyos. Hangad Niya na makatagpo nang personal ang tao. Sa kasaysayan ng pagliligtas, gumagawa ang Diyos ng paraan para 'mahipo' Niya tayo. Ang malaking bahagi ng gawain ni Hesus ay ministeryo ng paghipo at pagpapagaling.

Patuloy nating dinadanas ang haplos ng pagmamahal ng Diyos sa mga sakramento. Nagpaparamdam Siya sa atin araw-araw sa pamamagitan ng mga elemento ng sangnilikha at ng mga pangyayari sa ating buhay.

*Lunes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN