 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 11 February 2026 |
| |
|
Mag-ingat! "Please be careful with your heart, sabi ng isang awit." Dapat nating ingatan ang ating puso sapagkat ito ang luklukan ng ating mga hangarin at pagnanasa. Sa ating puso nagmumula ang ating mga pasya. Ito rin ang 'lugar' kung saan unang nagtutunggali ang kasamaan at kabutihan. Bago pa natin isagawa ang isang bagay - masama man o mabuti - una muna itong 'nalutò' sa ating puso. Subalit natuturuan ang puso. Kapag may disiplina, sinasanay natin ang ating puso upang hindi paalipin sa mga maling paghahangad.
*Miyerkules sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|