 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 16 February 2026 |
| |
|
Mahina. Malimit nating ituring na 'mahina' ang mga taong mababa ang IQ. Ang totoo, higit na mahirap ang matalino ngunit walang kakayahang bumasa sa mga "tanda ng panahon." Ang mga nagaganap sa paligid ay "lugar" ng pagpapakita ng Diyos. Sa likod ng mga pangyayari sa ating lipunan, nagpapahatid ang Diyos ng mensahe sa atin.
Nawa'y hindi tayo matulad sa mga pariseo at dalubhasa sa kautusan: 'matalino' subalit 'mahina' ang diwang espiritwal upang makita ang pagkilos ng Diyos sa kasaysayan.
*Lunes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
|
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|