Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
28 February 2026
 
“With open hands.” Wika ni Henri Nouwen, ang bukás na kamay ay pusong hindi kumakapit sa galit, hindi nag-iipon ng sama ng loob, at hindi naghahangad ng ganti. Sa halip, ito’y handang magpatawad at magtiwala sa katarungan ng Diyos.

Kapag ibinaba natin ang ating mga kamao at ibinuka ang ating mga palad, nagiging malaya tayong magmahal gaya ng Ama—walang pinipili, walang kinikilingan, kundi nag-uumapaw sa awa.

*Sabado sa Unang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN