Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
01 March 2026
 
Bundok. Sa biblia, itinuturing ang bundok bilang pook ng pakikipagtagpo sa Diyos. Pinaniniwalaan ng mga Judio na ito ay lugar ng pagbubunyag ng Diyos.

Inahon ni Hesus ang bundok ng Tabor. Dito nalantad ang kanyang kaluwalhatian sa Pagbabagong Anyo. Sa isa pang bundok - sa kalbaryo - ipinako si Hesus. Sa pook namang ito ng sakripisyo at pagpapakasakit, nahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao.

Anumang bundok ng buhay ang ating ahunin,may pahayag sa atin ang Diyos: siya ay lagi nating kasama. Kumikilos at nagpaparamdam Siya ng kanyang presensya kahit sa sandaling sa akala natin tayo'y pinabayaan at nag-iisa.

*Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN