Share the Thought by Msgr. Andro
01 March 2026
 
Positibong tanda ang krus. Ito ay "plus sign." Dapat ay positibo rin ang ating saloobin sa krus. Hudyat ito hindi ng kabiguan kundi ng tagumpay. Nang magbagong -anyo si Jesus ay nabanaag ang kanyang kaluwalhatian. Ang salitang Griego "metemorphōtē" ay kaugnay ng "en etera morphē" o ang bagong anyo ng Panginoong muling nabuhay at napakita sa dalawang alagad patungong Emaus. Pag-asa ang hatid. May luwalhat sa likod ng krus. Ang namatay ay muling mabubuhay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN