Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
03 March 2026
 
Yabang. "Matalo na sa yaman, huwag lang sa yabang." Dito nagsisimula ang maling pagpapahalaga. Ang mga pera at yaman na sana'y magamit sa mga bagay na kapaki-pakinabang ay nalulustay lamang sa luho at mga mamahaling alak, alahas at gadgets na nagsisilbing 'status symbol' sa lipunan.

Ang kayabangan ay sinusundan ng pagbagsak at kapahamakan. Tinanggihan ni Adan ang kanyang estado bilang 'nilikha' at 'alabok' at hinangad na makapantay ng sa kanya ay Lumikha.

Binabago ng kababaang-loob ang ating pananaw sa kapwa at sa kalikasan. Sila ay hindi 'bagay' na dapat 'gamitin' at abusuhin. Kikilanlin natin ang bigkis na nag-uugnay sa sangnilikha.

Paalaala ng ebanghelyo: "Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpakakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

*Martes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN