Share the Thought by Msgr. Andro
03 March 2026
 
Hindi masamang humanga. Hindi rin masamang hangaan. Ang hindi maganda ay ang pagiging pahangero/a. Ganyan ang mga eskriba at Pariseo. Lahat ng ginagawa ay upang makita at purihin. "Pawang pakitang tao lamang," ani Jesus. Hindi kaya ganoon din tayo? Lahat na lamang ay ipo-post sa facebook. Pati pagkain? Maano naman kung may ganoon kang ulam o merienda? Mas masahol kung kabanalan ang ibinabandila. Ah, hindi na kabanalan 'yon.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN