 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 04 March 2026 |
| |
|
Dakila. Ang mga nasa posisyon ng kapangyarihan ay may mas mabigat na pananagutan, sapagkat mas malinaw nilang nakikita ang agwat sa pagitan ng ‘mayroon’ at ‘wala.’ Ani Pope Francis: “The measure of the greatness is seen in the way one treats those most in need.”
Kapag ang pribilehiyo ay nagiging dahilan ng pagkabulag sa paghihirap ng iba, nawawala ang tunay na diwa ng kadakilaan. Ang tunay na dakila ay hindi yaong nasa itaas upang mangibabaw, kundi yaong handang bumaba upang maglingkod at dumamay.
*Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|