Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
06 March 2026
 
Katiwala. Sino tayo? Sinong nagmamay-ari sa atin? Tayo'y mga katiwala. Diyos ang may-ari sa atin.

Isang ilusyon ng tao na akuing kanya ang hindi niya pag-aari. Kung minsan pa nga, mas matapang pa kaysa sa may-ari ang mga pinagkatiwalaan lamang. Nakapangingilabot kung paano inaabuso ng ilan ang kapangyarihan at ang yaman ng mundo.

Ang pinagkatiwalaan ng malaki ay malaki rin ang pananagutan sa nagkaloob nito. "To him much has been given, much will be required."

*Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN