 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 07 March 2026 |
| |
|
Balik-loob. Pagkauhaw ang malalim na ekspresyon ng ating pananabik sa Diyos. Ang gutom at uhaw na dinanas ng Alibughang Anak sa malayong lupain ay sagisag "gutom at uhaw" ng mga taong napapalayo sa Diyos.
Sa panahong ito ng Kuwaresma, nawa'y ang kusang-loob nating pag-aayuno ay magpatindi sa pananabik ng ating puso sa Diyos, at ang ating pagpapakasakit ay mauwi sa pagmamalasakit sa kapwa.
*Sabado sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|