Share the Thought by Msgr. Andro
09 March 2026
 
Alam na pala, bakit pumunta pa? Opo, batid ni Jesus na hindi siya tatanggapin ng kanyang mga kababayan. Gayunman ay dumalaw pa rin siya sa Nazaret. May leksyong natatago rito. Alam din niyang matigas ang ating mga puso at posibleng hindi siya tanggapin o pakinggan. Gayunman ay walang makapipigil sa kanya para lapitan at anyayahan tayo. Walang pader na hahadlang sa kanyang pag-ibig. Walang mahabang tulay na hindi niya tatawirin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN