 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 08 March 2026 |
| |
|
Bagong Buhay. Ang pagbabalik-loob ay hindi tagumpay ng isang sandali lamang, kundi isang paglalakbay na tinatahak araw-araw habang buhay.
Ipinakita ito sa istorya ng Babaeng Samaritana. Nang makatagpo niya si Hesus sa balon ni Jacob, nagsimulang mabago ang kanyang buhay sa iba't ibang antas ng pagbabalik-loob.
1. Pagbabago ng Isip: mula sa materyal na tubig, natutunan niyang mauhaw sa Diyos. Ang dating mababaw na paghahangad ay unti-unting napalitan ng malalim na pananalig. Hiniling niya kay Hesus ang biyaya ng buhay na walang hanggan.
2. Pagbabago ng puso. Mula sa buhay ng pagtataksil (lima ang kanyang naging asawa), tinahak niya ang bagong buhay ng katapatan.
3. Pagbabago ng Paniniwala. Mula sa maling paniniwala tungo sa tunay na pananalig: from 'localized' worship to true spiritual worship. Hindi na sa 'bundok na iyon nila sasambahin ang Diyos kundi sa 'espiritu at katotohanan.' 4. Pagbabalik-loob sa komunidad. Mula sa pagkakahiwalay sa kanyang kapwa, tinahak niya ang landas ng pagkikiisa sa sambayanan. Mag-isa siyang tumungo sa balon ni Jacob. Bumalik siya sa kanyang komunidad, taglay ang mabuting balita ng pagkakilala niya sa Mesias.
*Ikatlong Linggo ng Kuwaresma (A) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|