Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
10 March 2026
 
24/7. Ang awa at habag ng Diyos ay walang sukatan. Magkasala man tayo, maaari tayong kumonek sa Diyos 24/7. Anumang oras, maaaring humingi ng tawad at magsisi. Ang kanyang pag-ibig sa makasalanang nagsisisi ay walang hangganan.

Ang numerong pito ay simbolo ng kaganapan. Kapag pinarami pa ng pitumpo, ang katumbas nito ay walang hanggan. Ang awa ng Diyos ang ating pamantayan ng pagpapatawad sa kapwa. Hindi natin dapat bilangin ang pagkakataong dapat tayong magpatawad.

*Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN