 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 11 March 2026 |
| |
|
Batas. Nagiging mapang-api ang batas kapag hindi ito patas. Kapag ginamit ang batas laban sa kapakanan ng tao, nagiging normal ang kamalian at nabubuo ang di makatarungang sistema sa lipunan.
Ang diwa ng pagsisisi - lalo na ngayong kuwaresma - ay hindi lang para sa ating mga kasalanang personal, kundi pati na rin sa kasalanang panlipunan na hinayaan nating manatili dahil sa pagsasawalang kibo.
Tungkulin nating makisangkot at aktibong pumanig sa katwiran sa harap ng mga kasamaang yumuyurak sa ating dangal bilang tao sa ating panahon.
*Miyerkules sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|