Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
14 March 2026
 
Lupa. Ang mga salitang 'humanity' at 'humility' ay kapwa nanggaling sa salitang Latin, 'humus,' na ang kahulugan ay 'lupa.' Ipinaaalaala nito kung saan tayo nagmula, at ang daan sa ating pagpapakatao ay pagpapakumbaba.

Sabi ni Henri Nouwen, dapat basagin ng araro ang tigang na lupa upang ito'y mapasok ng tubig na saganà. Gayundin naman, dapat basagin ng pagsisisi ang pusong pinatigas ng pagmamataas upang pumasok ang biyaya ng pagpapatawad.


*Sabado sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN