 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 15 March 2026 |
| |
|
Paningin. Hindi kailangan ang mata upang makita ang tunay na mahalaga. Kung minsan pa nga, ang mga may kumpletong paningin ang hindi makakita sa katwiran at katotohanan.
Ipinamalas ito ng bulag na pinagaling ni Hesus. Matagal siyang namuhay sa dilim, subalit kay Hesus, natagpuan niya ang Liwanag. Jesus gave him not only the gift of 'sight' but the gift of 'insight.'
Ang mundo ay puno ng ilusyon. Dinadaya ang nito ang ating paningin upang hanapin sa mga bagay na pansamantala ang huwad na ligaya. Sa tubig ng binyag, hinuhugasan ang ating paningin upang makita ang tunay na mahalaga sa buhay na ito.
Nawa'y manatiling matalas ang ating paningin sa mga bagay na marapat at banal. May we never lose sight of what our eyes cannot see.
*Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma A |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|