Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
17 March 2026
 
Palamuti. Dapat matuon ang ating pansin sa tunay na esensya ng relihiyon at hindi lang sa mga palamuti nito.

Kung minsan, sa dami ng gimik, drama at seremonyas, nakakaligtaan natin ang tunay na diwa ng pagsamba sa Diyos.

Tulad ng lumpo sa ebanghelyo, minsan ay iniaasa natin ang ating kagalingan sa mga panlabas na ritwal ng relihiyon. Nakaligtaan natin ang tunay na bukal ng kagalingan at kaligtasan: si Hesus.

*Martes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN