Share the Thought by Msgr. Andro
19 March 2026
 
Kailangan bang maging malinaw ang lahat bago natin yakapin? Hindi malinaw kay San Jose ang mga pangyayari. Bago sila magsama ni Maria, ang huli ay nagdalang-tao. Sa panaginip pa nakabatid si San Jose ng "paliwanag." Sa makataong pananaw ay mahirap tanggapin ang hamon at misyon ni San Jose. Gayunman ay tumalima siya. Kapag galing sa Diyos, di man natin unawang lubos, ay malugod nating tanggapin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN