 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 19 March 2026 |
| |
|
San Jose. Isa sa titulong ibinigay ng Simbahan kay Jose ay Custos Redemptoris (Guardian of the Redeemer). Ang kanyang pagtatanggol sa Banal na Pamilya ay isang magandang huwaran ng tamang pangangalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos, lalo na sa mga mahihina. Ani Papa Francisco, tulad ni San Jose, dapat nating ipagtanggol ang ating ‘tanging tahanan’ sa banta ng mga makabagong Herodes na may masamang tangkang sirain ang kalikasan dahil sa personal na interes at makasariling paghahangad sa kapangyarihan. “Kung mahal natin ang Diyos, mamahalin din natin ang lahat ng kanyang mga nilikha.” Akuin natin ang ating pananagutan bilang mabuting katiwala ng daigdig at lahat ng biyayang bigay ng Diyos. *Marso 19, Kapistahan ni San Jose |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|