 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 21 March 2026 |
| |
|
Pasya. Ang pagiging Kristiyano ay isang pagpili, isang desisyon ng buhay. Hindi pwedeng mamangka sa dalawang ilog, o maglingkod sa dalawang panginoon ang tagasunod ni Hesus. Dapat siyang manindigan. Mamuhay sa katotohanan o malugmok sa kasinungalinan.
Ipinakita ng ebanghelyo na si Hesus ay "tanda ng pagkakabaha-bahagi." "Division occured in the crowd because of him..."
Ang pagkakahati ay bunga lamang ng radikal na pasya na sundan si Kristo at itakwil ang lahat ng salungat sa diwa ng kanyang ebanghelyo.
Ang pagpanig sa katwiran at katotohanan ang tanging 'credential' ng ating Simbahan upang manatili itong makabuluhan sa ating panahon.
*Sabado sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|