 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 22 March 2026 |
| |
|
Pag-asa. Sa harap ng kamatayan, ipinakita ni Hesus na siya ang buhay. Sa bingit ng kawalang pag-asa, muling binuhay ni Hesus ang pag-asa ng mga kapamilya ni Lazaro. Hindi kamatayan, kundi buhay, ang nagtagumpay.
Sabi ng isang obispo, huwag mong hihilingin sa Diyos ang bagay na posible sapagkat ito ay magagawa ng tao. Ang hingin mo sa Diyos ay ang inaakala mong imposible, ang bagay na parang wala ka nang magagawa. Ito ang sandali ng hiwaga. May magagawa ang Diyos.
Sa harap ng mga krisis na kinakaharap natin sa buhay, kumakapit tayo sa kapangyarihan ng Diyos. Siya ang Diyos ng buhay. Hindi kaylanman magtatagumpay ang kamatayan. Ang Diyos ang ating kaligtasan
*Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (A) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|