 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 23 March 2026 |
| |
|
Pakikiapid. Isang matinding batik sa pagkatao ang kasalanan ng pakikiapid. Mahirap patawarin ang pagtataksil. Sa ebanghelyo, ganito ang namamayaning damdamin ng mga tao sa babaeng nahuli sa pakikiapid.
Subalit sa biblia, ang lahat ng uri ng kasalanan ay isang anyo ng pakikiapid. Sa likod ng bawat pagkakasala, tinatalikdan natin ang ating pangako ng katapatan sa Diyos. Tayo ay namamangka sa dalawang ilog. “Nakikiapid” tayo sa iba sapagkat inilalaan natin ang ating pagmamahal sa bagay ng mundo at hindi sa tunay na Diyos.
Ang panahon ng Kuwaresma ay isang sandali ng pagpapala upang makita kay Hesus ang mukha ng habag ng Diyos.
*Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (A, B) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|