 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 23 March 2026 |
| |
|
|
Mahirap gamitin ang hintuturo. Tatlong daliri ang nakaturo sa atin. Ganyan ang nangyari sa ebanghelyo. Isinuplong at itinuro kay Jesus ang babaeng nahuli sa pakikiapid. Dapat daw siyang batuhin, ayon sa batas. Iba ang paraan ni Jesus. Ang walang kasalanan daw ang unang bumato. At walang nangahas. Nakaturo ang tatlong daliri sa sarili at narinig ang usig ng budhi, "Ako nga pala'y makasalanan din." Ibalik natin sa sarili ang hintuturo. Titikom ang palad at dadagukan natin ang dibdib. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|