Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
24 March 2026
 
Hangal. Taliwas ang pamamaraan ng Diyos sa pamamaraan ng tao. Labag sa makataong lohiko na ang kaluwalhatian ng Diyos ay mabanaagan sa kaabahan ng isang alipin. Sa lenguahe ng kapangyarihan, ito ay isang kahangalan.

Subalit hindi ganito ang lenguahe ng pag-ibig. Ang taong nagmamahal ay hindi puno ng sarili. Hindi siya palalo. May malawak na lugar ang kapwa sa kanyang puso. Handa siyang magsakripisyo para sa iba.

Nawa'y higit na mamayani ang lenguahe ng pag-ibig laban sa lenguahe ng kapangyarihan sa ating lipunan.

*Martes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN