 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 25 March 2026 |
| |
|
|
Ano ang ating nararamdaman sa tuwing sinasabi ng paring nagmimisa, "Sumainyo ang Panginoon." Malalim ang pananalitang iyon. Sa Lumang Tipan, iyon ay pahayag ng sa mga sinugo para sa malaking misyon tulad nina Moises, Gideon at mga propeta. Katiyakan iyon na kakayanin ang gampanin dahil kasama ang Panginoon. Iyon din ang bati ng anghel kay Maria. Kakayanin niya ang malaking misyong magsilang sa Mesiyas, bagama't siya ay dalaga. We, too, can accomplish our mission because THE LORD IS WITH US. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|