Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
27 March 2026
 
Pag-uusig. "The world cannot withstand a person who is absolutely good," sabi ni Papa Benedicto XVI.

Hindi maatim ng mundo ang presensya ng isang taong sukdulan ang kabutihan. Ang kanyang buhay ay isang matinding dagok sa budhi ng lipunang namihasa sa lisyang kalakaran.

Sa ating panahon, patuloy na nagaganap ang pag-uusig sa katwiran. Ipinapaalaala sa atin ngayong panahon ng Kuwaresma ang ating tungkuling ipagtanggol ang mga pagpapahalaga ng ebanghelyo. Sa ating pagpanig sa liwanag, nababawasan ang espasyo ng kasamaan sa mundo.

*Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN