 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 28 March 2026 |
| |
|
Caifas. Di ba "mas mabuti para sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, sa halip na mapahamak ang buong bansa?"
Si Caifas ang nagsabi nito. At ito ang nagtulak para mabigyang katwiran ang kamatayan ni Hesus.
Dapat nga bang hayaang mamatay ang isa para mabuhay ang lahat? Makatwiran bang isakripisyo ang karapatan ng ilan para sa protektahan ang buhay ng marami? Makatarungan ba na sirain ang kalikasan para umunlad ang bayan?
Ang hangad ng Diyos ay kalayaan at kaligtasan ng buo at lahat ng tao. Walang mahuhuli at maiiwan. Ang itinataguyod ng Simbahan ay integral pananaw sa tao, sangnilikha at buhay.
*Sabado sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|