Share the Thought by Msgr. Andro
30 March 2026
 
Motibo. Hindi lahat ng 'mabuting' gawa ay mabuti. May mga gawa na mabuti lamang sa paningin ngunit sa likod nito'y may masamang hangarin. Ayon sa prinsipyo moral: anumang mabuting gawa na ginanap nang may masamang pagnanasa ay nagigi ring masama.

Di pala tunay ang malasakit ni Judas sa mga mahihirap. Ang tunay niyang motibo ay ang nakawin ang perang ipinagkatiwala sa kanya.

Usisain natin ang ating mga motibo sa likod ng ating mabubuting gawa. Hindi ito dapat marungisan ng masamang pagnanasa. Nagiging buo ang kabutihan ng ating gawain kung kalakip nito'y mabuting layunin.

Sa kabutihan ng puso at isipan, nagsisimula ang pagpapanibago ng buhay. "Moral living is a never-ending process towards excellence, self-realization and happiness" (St. Thomas).

*Lunes Santo ng Semana Santa

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN