 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 31 March 2026 |
| |
|
Karimlan. "Gabi na noon..." Hindi lang dilim ng gabi ang tinutukoy sa ebanghelyo kundi dilim ng puso. Sa kadiliman, naganap ang malagim na pagtataksil.
Sa ebanghelyo ni San Juan, mahalagang simbolo ang dilim at liwanag. Ang taong lulong sa kasalanan ay mas gustong manatili sa dilim. Ayaw niyang malantad sa liwanag ang kanyang masamang gawa.
Ganito ang kasalanang panlipunan. Nagdudulot ito ng pagkabulag para makita ang kasamaang nagaganap sa paligid. Nagiging kasangkapan tayo sa pananatili ng dilim sa ating pananahimik at pagsasawalang-kibo.
"The world is a dangerous place, not because of those who do evil, but because of those who look on and do nothing." (Albert Einstein)
*Martes Santo ng Semana Santa |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|