 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 05 April 2026 |
| |
|
Pagtawid. Sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pagtawid ni Kristo mula sa kamatayan tungo sa buhay. At dahil inako niya ang ating pagkatao, kasama niya tayo sa kanyang tagumpay.
Pinuksa na ng tubig ng binyag ang ating lumang sarili at muli tayong isinilang bilang bagong nilalang. Nawa'y makatawid tayo mula sa luma tungo sa bagong pagkatao. Huwag na tayong babalik sa dilim ng kasalanan.
Tinatawag din tayong tumawid mula sa pagsasawalang-kibo tungo sa pakikisangkot. Dalhin natin liwanag ni Kristo sa lipunang balot sa dilim ng katiwalian at pagkamakasarili.
"Do not abandon yourself to despair. We are Easter people and Alleluia is our song."
Maligayang Pasko. Maligayang Pagtawid. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|