Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
06 April 2026
 
Pagsaksi. Nagtagumpay na si Kristo sa kamatayan. Subalit patuloy ang pagkilos ng pwersa ng kasamaan sa ating panahon. Maraming nagpapakalat ng ang fake news. Binabago ang kasaysayan. Maraming nabubuyo sa mga maling paniniwala.

Kailangan nating kumilos. Ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ay isang kasalanan. Hinahayaan nitong mamayani ang kasamaan laban sa panig ng katwiran.

Ang Pagkabuhay ni Cristo ay nagtutulak sa atin upang, tulad ng mga apostol noon, tayo ay maging aktibo sa pagtataguyod ng Mabuting Balita ng Panginoon.

*Lunes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN