Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
10 April 2026
 
Lambat. Sabi ni Papa Francisco: "“Ang Diyos ay walang hanggang pagiging-bago. Patuloy Niya tayong itinutulak na magsimulang muli, na lumampas sa kung ano ang nakasanayan, patungo sa mga laylayan at higit pa.” (Gaudete et Exsultate, 135)

Ganito ang diwa ng ipinahayag ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kalaliman." Tumungo kayo sa mga bagong hangganan ng mundo.

Lahat tayo ay sinusugo rin na pumalaot at mamalakaya ng tao para kay Hesus. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa sa harap ng mga kabiguan. Ito ay gawain ng Diyos. Siya ang magbibigay kaganapan sa ating pagpapagal.

*Biyernes sa Oktaba ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN