Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
13 April 2026
 
Bago. Ang salitang katumbas ng binyag ay ‘bautismo’ (sa Espanol), na galing naman sa Latin (v), 'baptizo', na ang kahulugan ay 'ilubog.' Noong una, ang isang matandang binibinyagan ay inilulubog sa tubig ng tatlong beses: sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.

Ang paglulubog ay sagisag ng paglilibing. Namamatay ang lumang pagkatao ng isang binyagan. Sa kanyang pag-ahon, siya ay isa nang bagong nilalang. Siya ay "muling isinilang" sa tubig at sa Espiritu.

Ang ating buong buhay bilang binyagan ay pakikiisa sa pasko (kamatayan at pagkabuhay) ni Kristo.

*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN