 |
|
Pagbangon. Kamatayan ng tao ang bunga ng kasalanan. Kamatayan ni Hesus ang lunas upang ibalik ang buhay. Upang tayo ay mabuhay ayon sa Espiritu, kamatayan sa lumang pagkatao ang kailangan.
Ang pagsampalataya, isinusuko natin ang ating buhay kay Hesus. Nangangahulugan ito ng pagpanaw sa dating pamumuhay ayon sa laman, at pamamayani ng Espiritu ni Hesus.
Ito ang naranasan ng mga unang Kristiyano. Ramdam sa kanila ang bunga ng Espiritu: walang sinuman ang mahirap sapagkat lahat ay nagbabahaginan. Kayang limutin ang sarili kapag natuto tayong mamuhay ayon sa Espiritu.
*Martes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|