Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
15 April 2026
 
Parusa. Hindi nagpaparusa ang Diyos. Taliwas ito sa kanyang kalikasan bilang wagas at dalisay na Pag-ibig. Ipinahayag sa ebanghelyo: naparito ang Anak ng Diyos hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. "God's blessing is more original than our sin."

Ang totoo, marami sa mga dinaranas nating paghihirap ay bunga ng ating kasalanan at maling pagpapasya. Malimit kaysa hindi, ang nararanasan nating paghihirap ay isa lamang sa mga pagpaparamdam ng kalikasan sa ating kapabayaan at pagsasawalang-kibo.

Ang dinaranas nating krisis sa ating panahon ay hindi kahatulan ng Diyos sa tao. Ito ay sandali ng paghatol natin sa ating sarili: isang panahon para piliin ang mga bagay na tunay na mahalaga at ihiwalay ang mga bagay na pansamantala.

*Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN