 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 23 April 2026 |
| |
|
Pagkain. Ang gutom ay simbolo ng malalim na paghahangad ng ating espiritu. Mahirap ang walang makain, pero mas mahirap ang buhay na salat sa kahulugan.
Ang kahungkagan ng buhay ay nauuwi sa sakit ng espiritu. Ani Victor Frankl, maraming sakit ay dulot ng kawalang saysay ng buhay. Sabi niya, "there is healing in meaning." May kagalingan sa buhay na makahulugan.
Si Hesus ang tugon sa malalim na gutom ng puso. Sa eukaristiya, ang Tinapay ng Buhay, ang ating kagalingan at kaligtasan.
*Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|