 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 25 April 2026 |
| |
|
Tinapay. Sagisag ng buhay. "Bread" ang tawag natin sa sahod o kita. "Breadwinner" ang naghahanap-buhay para sa pamilya.
Sa mas malalim na kahulugan, ang tinapay ay sagisag ng lahat ng pagpapalang galing sa Diyos. Ang mag-aksaya ng pera sa walang kapararakang paggasta ay insulto sa mga dukha. Ang pagsira sa kalikasan ay pagnanakaw sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Sabi ni Papa Francisco: labanan natin ang “culture of waste: throwing food away is like stealing from the tables of the poor, the hungry!"
Tayong nakikibahagi sa hapag ng Eukaristiya ay may pananagutan sa isa't isa. Si Kristo bilang Tinapay ng Buhay ay kaisa ng sambayanang nagugutom at nauuhaw sa katarungan at kapayapaan.
*Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|