Share the Thought by Msgr. Andro
24 April 2026
 
Bakit kakaiba ang Tinapay ng Buhay? Ang dahilan ay sapagkat mula ito sa Langit. Hindi ito nanggaling kung saan-saan lamang. Si Jesus mismo ang nagpapatunay na ito ay mula sa langit. Hindi siya nagsisinungaling. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang sarili. Siya ay galing sa langit. Kahit masasarap ang mga tinapay sa France, Italy at maging sa Pilipinas, wala pa ring papantay sa Tinapay na nagmula sa langit.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN