 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 26 April 2026 |
| |
|
Pastol. Sa iba't ibang bahagi ng ebanghelyo hinggil sa Mabuting Pastol, inilalarawan ang katangian ng tunay at tapat na Kristiyanong pamumuno.
1. "Dinadala tayo sa sariwang pastulan." Ang lider ay dapat may pananaw. "To lead without vision is treason." Ang tunay na namumuno ay hindi lang "sikat"; dapat ay "tapat." May kakayahan at integridad. Hangad niya ang pag-unlad ng buong tao, at hindi lang ng panandalian o materyal na progreso.
2. "Nag-aalay ng buhay para sa mga tupa." Hindi inuuna ng pastol ang personal na interes. Itinataguyod niya ang kapakanang pangmadla, at hindi lang ang pagkakamal ng yaman at kapangyarihan.
Lahat ay tinatawag na maging pastol ng mga nawawala. Sabi ni Pope Francis: "Sa halip na tayo ay maging isang Simbahan lamang na tumatanggap at naghihintay habang bukás ang mga pintuan, sikapin din nating maging isang Simbahan na naghahanap ng mga bagong daan -- na marunong lumabas sa sarili at lumapit sa mga hindi nagsisimba, sa mga tumigil na, o sa mga walang pakialam.”
*Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay. Linggo ng Mabuting Pastol |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|