Share the Thought by Msgr. Andro
28 April 2026
 
Hindi maaagaw ninuman. Ganoon tayo sa puso ng Diyos. Binigyang-linaw ito ni Jesus sa ebanghelyo. Minamahal at iniingatan niya tayo. Hindi niya pababayaang maagaw tayo ng diyablo. Noon pa man hanggang ngayon ay nagsisikap ang demonyo na agawin tayo sa mga kamay ng Diyos. Ginagawa niya ang lahat upang tayo ay mapasakanya. Subalit mas malakas ang Diyos. Matibay ang paghawak at pagyakap niya sa atin. Hindi niya tayo ipapaagaw kaninuman.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN