 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 01 May 2026 |
| |
|
Mayo. Sa pagsisimula ng buwan ng Flores de Maria at kapistahan ni San Jose Manggagawa—inaalay natin ang “bunga ng lupa at gawa ng tao.” Ngunit paano tayo makapag-aalay kung ang lupang pinagmumulan ay unti-unti nating winawasak?
Sa katauhan ni San Jose, ang paggawa ay hindi paninira kundi pakikiisa sa paglikha ng Diyos. Ngunit ngayon, sa ngalan ng kita, ang paggawa ay nagiging mapanira sa kalikasan—sa quarrying at maruming enerhiya. Hindi ito gawaing nagbibigay-buhay, kundi kumikitil nito.
Hindi inosente ang pananahimik. Totoo ang babala ni Al Gore: “we live in an era of consequences.” Ang ating kapabayaan ay nagiging kaparusahan ng susunod na salinlahi.
Ayon sa Catholic Social Teaching, ang pag-unlad na sumisira sa tao at kalikasan ay kasalanan laban sa Maylikha.
Kung si San Jose ay naging tagapangalaga ng buhay, tayo ngayon ay tinatawag maging matapang na tagapagtanggol ng ating tahanan. Hindi sapat ang debosyon—kailangan ang desisyon. Ngayon.
*Mayo 1, San Jose Manggagawa |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|