Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
09 May 2026
 
Pag-uusig. Taliwas ang kalakaran ng mundo sa pagpapahalaga ng Diyos. Hindi kayang maatim ng mga makasanlibutan ang pamamayani ng kabutihan. Inuusig nila ang mga taong maka-Diyos sapagkat ayaw nila sa liwanag at katotohanan.

“Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin."

Binigyang katiyakan ni Hesus na hindi tayo dapat sumuko. Mamamayani lang ang dilim kung magsasawalang-kibo ang mga taong matuwid.

*Sabado sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN