 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 11 May 2026 |
| |
|
Patnubay. Mahirap ang manindigan sa katwiran. Maraming pagsubok at pag-uusig. Hindi madaling magpaka-Kristiyano sa isang lipunang nasanay sa katiwalian.
Subalit hindi tayo dapat mawalan ng loob. May iniwang pangako si Hesus. Magpapadala siya ng Patnubay. Ito ay ang Espiritu ng katotohanan.
Sa harap ng pag-uusig, may magtatanggol at magsasalita para sa atin. Ang Espiritu Santo ang buhay na presensya ni Hesus sa ating piling. Hindi tayo nag-iisa.
*Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|