 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 13 May 2026 |
| |
|
Liwanag. Si Hesus ang Salita. Ang Espiritu Santo ang Liwanag. Hindi dalawa ang mensahe ng ebanghelyo. Iisa at magkaugnay habang ipinapahayag ito sa lahat. Habang nangangaral si Hesus, kumikilos din ang Espiritu sa puso ng mga nakikinig upang maunawaan nila ang kanyang aral.
Kahit anong galing ng pagkakahabi ng salita ng nangangaral, wala itong kapangyarihang magpabago ng puso kung hindi dahil sa pagkilos ang Espiritu Santo.
"Pagdating ng Espiritu ng katotohanan," ani Hesus, mabibigyang liwanag ang lahat ng kanyang ipinahayag. Maging laan at bukas tayo na tumugon sa tawag ng pagpapanibago.
*Miyerkules sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|