Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
14 May 2026
 
Palabunutan. Ibang klase ang paghirang ni Hesus kay San Matias upang makahalili ni Judas Iscariote sa Labindalawa. Hindi siya tinawag sa tabi ng lawa ng Galilea, gaya nina Pedro at Andres. Hindi siya pinagpakitaan ng Kristong Muling Nabuhay, gaya ni apostol San Pablo. Hinirang si San Matias sa pamamagitan ng palabunutan.

Iba't iba ang paraan ng pagtawag ng Diyos. Patunay lamang na ang Diyos ang pumipili sa atin sa paraang gusto niya. Hindi tayo ang pumipili sa kanya; Siya ang pumipili at humihirang sa atin. Bago pa natin piliin ang Diyos, tayo ang unang pinili Niya.

*Kapistahan ni San Matias Apostol

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN