 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 16 May 2026 |
| |
|
Pangalan. "Nomen est omen." A name is a sign. Ang pangalan ay hindi lamang katulad ng tarhetang nakakabit sa isang tao. Kaakibat ng ating pangalan ang pagkakakilanlan, karakter at maging misyon ng taong nagtataglay nito.
"Our name is our guarantee," ayon naman sa isang advertisement. Ang pangalan ay pwedeng panghawakan: hatid nito ay katiyakan.
Si Hesus ang mabisang tanda ng Ama. Ang kanyang pangalan ay kapangyarihan. Ipinapahayag ito ng kanyang pangalang Hesus, na ang kahulugan ay, "ang Diyos ay nagliligtas" (God saves/ helps).
"Ano man ang hilingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ipagkakaloob sa inyo," pangako ni Hesus. Si Hesus ang ating katiyakan. Ang kanyang pangalan ang garantiya na ating hiling ay pakikinggan.
*Sabado sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|