 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 18 May 2026 |
| |
|
Kasalo. Maraming tao ang takot mag-isa; namamanglaw kapag walang kasama.
Subalit ang taong nakaugat sa Diyos kaylanman ay di nag-iisa. Walang pagkainip sa mga taong malalim ang kaugnayan sa Diyos.
Ani Hesus: "Gayunma’y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin.”
Sa pananalig, si Kristo ay kasama natin. At dahil dito, ang Ama at ang Espiritu ay mananahan sa atin. Ang Kristiyano ay hindi nag-iisa. Kasalo siya sa buhay ng Diyos. Kasali siya sa komunidad ng mga nananalig.
*Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|